Masakit isipin na ang bawat isa sa atin ay nagsusumikap para umangat pero bakit may tao o mga tao talagang hindi masaya at hihilahin ka pa pababa? Hindi ba pwedeng magfocus na lang tayo sa ating mga sarili at hindi sa pagpapabagsak ng ibang tao?
Panginoon, tulungan Mo po kaming kumapit lamang sa Inyo at hindi sa mga problemang meron kami ngayon.
Pinapakinggan ng Diyos ang ating mga panalangin kahit 'yong mga hindi natin nasasabi sa salita pero ipinapatak ng ating mga luha.
Maaaring hinahayaan ka ng Dios na umiyak na ng butil-butil ngayon dahil ayaw Niyang umiyak ka pa ng balde-balde pag dating ng panahon.
Kung hindi mo alam kung paano ka magsisimula at kung ano ang gagawin mo, magdasal ka. Ang Diyos ang mas nakaka-alam, at Siya din ang kasama mong gagawa.
Sa mga panahong gipit na gipit ka, halos kada oras tinatawag mo Siya. Sana kapag dumating ang pagkakataong makakaluwag ka na, hindi ka din makakalimot sa Kanya.
Darating ang panahon na mas pasasalamatan mo ang Panginoon hindi sa mga bagay na natatanggap mo kundi sa mga bagay na kaya mo nang ibigay. Kasi isa lang ang ibig sabihin nun, sobra sobra na ang ipinagkaloob Niya sa'yong biyaya.
Sana matuto ka ding maglaan ng oras para sa sarili mo! 'Wag mong hintayin na mapipilitan ka nang magpahinga kasi katawan mo mismo ang umaayaw na.
Yong pakiramdam na ibinigay mo ang lahat pero hindi pa din ito sapat. Masakit 'yon! Kaya bago ka magmahal ng todo, siguraduhin mong may tinitira ka para sa sarili mo.