Mga Ka-Faith, grabe ito! đ± Sa episode na ito ng Istoryang Katoliko, ibinunyag natin ang mga kwento ng mga soon-to-be saints â mula sa dating SATANIC PRIEST, isang Gen Z techie, hanggang sa madre na may prosthetic arm at mga martir na tumindig hanggang kamatayan para kay Kristo. watch video on watch page
25 - 2
Mga Ka-Faith, huwag tayong malinlang! Hindi lahat ng gusto ng tao ay dapat i-ânormalize.â Ang tawag na âsirâ o âmaâamâ ay hindi lang simpleng salitang ginagamitâito ay nakaugat sa katotohanan ng ating pagkakalikha. Sabi sa Genesis 1:27, âMale and female He created them.â Ibig sabihin, hindi natin pwedeng baguhin ang disenyo ng Diyos base lang sa pansariling pakiramdam o trip. Kapag sinabi ng isang tao na âletâs normalize calling me sirâ kahit kabaliktaran ito ng realidad, inilalagay niya ang sariling kagustuhan sa ibabaw ng katotohanang itinakda ng Diyos. Ito na mismo ang tinatawag ni Pope Benedict XVI na dictatorship of relativismâkung saan ang katotohanan ay nagiging depende na lang sa emosyon at opinion ng tao. Pero bilang Katoliko, hindi tayo sumusunod sa uso kundi sa objective truth: na ang kasarian ay hindi mapapalitan ng kahit anong pronoun o bihis. Kahit anong ipilit, hindi nito mababago ang katotohanan na lalaki ay lalaki at babae ay babae.
Mga Ka-Faith, malinaw ang turo ng Simbahan: âEveryone, man and woman, should acknowledge and accept his sexual identityâ (CCC 2333). Ang tunay na pagmamahal ay hindi pagsang-ayon sa kasinungalingan kundi pagtuturo ng katotohanan. Kaya hindi natin pwedeng i-normalize ang isang bagay na taliwas sa disenyo ng Diyos. Ang kaya nating i-normalize ay ang pamumuhay sa katotohanan at kabanalan kay Kristo.
Kaya tandaan: huwag i-normalize ang kasinungalinganâi-normalize ang katotohanan kay Kristo!
87 - 4
Ibinahagi ni Fr. Jojo ang kanyang honest reaction sa pagiging âAsh Wednesday celebrityâ at kung paano minsan, hindi na natin naiintindihan ang tunay na diwa ng Kuwaresma dahil mas nakatuon tayo sa panlabas kaysa sa panloob na pagbabalik-loob sa Diyos. Pinaliwanag niya ang kahalagahan ng fasting, repentance, at humility, at bakit napakahalaga ng tamang disposisyon tuwing Ash Wednesday. watch video on watch page
17 - 0
Kung ang lindol sa Cebu ay tawagin ninyong âwrath of Godâ laban sa Katoliko dahil daw idol worshipers kami, mali agad ang logic na âyan. Kung sakuna ang sukatan ng galit ng Diyos, ibig bang sabihin lahat ng nasalantaâmga inosenteng bata, matatanda, pati mga simbahan ng ibang relihiyonâay pinarusahan din? Hindi ganun ang Diyos. Sabi sa Mateo 5:45, pinapaanaraw Niya ang araw sa masama at mabuti at pinapauulan sa matuwid at di-matuwid. Ang Catechism (CCC 309â314) ay malinaw: pinahihintulutan ng Diyos ang disasters, pero ginagamit Niya ito upang magdala ng kabutihan at gisingin tayo sa katotohanang ang buhay dito sa lupa ay pansamantala. Ang tunay na wrath of God ay hindi nakikita sa natural calamities kundi sa eternal separation ng tao na tumatangging mahalin at sundin Siya.
Ngayon, tungkol naman sa paratang na âidol worshipersâ kami: malinaw ang turo ng Simbahan. Ang pagsamba (latria) ay tanging sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ang pagbibigay-galang (dulia) ay para sa mga santo, at natatanging paggalang (hyperdulia) kay Mama Mary dahil sa kanyang papel sa kaligtasan. Ang mga imahe ay hindi Diyos kundi tanda na nagtuturo kay Kristo. Tulad ng picture ng pamilya sa wallet mo na hindi mo sinasamba pero mahalaga sa iyo, ganoon din ang holy images. Kung talagang bawal ang lahat ng imahe, bakit mismong Diyos ang nag-utos ng kerubin sa Ark of the Covenant (Exodo 25:18â20) at tansong ahas kay Moises (Bilang 21:8â9)? Ang bawal ay ang idolatriyaâang pagsamba sa nilikha bilang Diyosâna hindi ginagawa ng mga Katoliko. Kaya mali rin ang parallel sa golden calf, dahil yun ay ginawa para palitan ang Diyos, samantalang ang Sto. Niño ay larawan ng Diyos na nagkatawang-tao mismo.
Ginagamit din nila ang Roma 1 at Marcos 7 para sabihing lahat ng tradisyon ay masama. Pero sabi ni St. Paul sa 2 Tesalonica 2:15, âhold fast to the traditions you were taught, whether by word of mouth or by letter.â Hindi lahat ng tradisyon ay âcommandments of men.â Ang Apostolic Tradition mismo ang nagbigay sa atin ng canon ng Biblia. Kayaât ang debosyon sa Sto. Niño at mga kapistahan ay hindi paganismo kundi ekspresyon ng pananampalataya. At kung sabihing âvain worshipâ ang mga ritwal natin, bakit noong panahon ng mga unang Kristiyano, mayroon na ring structured liturgy, prayers for the dead, at Eucharistic worship?
Sinasabi din nila na ang paggalang sa mga santo ay âglory to man.â Pero si St. Paul mismo ang nagsabi, âImitate me, as I imitate Christâ (1 Cor. 11:1). Ang mga santo ay hindi competitors ni Kristo kundi living testimonies na posible ang kabanalan. Sa Revelation 5:8 at 8:3â4, malinaw na ang mga banal sa langit ay iniaalay ang panalangin ng bayan sa harap ng Diyos. Hindi ito idol worship kundi communion of saints.
Ginagamit pa nila ang 1 Cor 6:9â10, na idolaters will not inherit the Kingdom. Totoo ito, pero ang idolaters ay yung mga taong inuuna ang pera, kapangyarihan, pleasures ng mundo at tinatrato itong parang diyos. Hindi ang mga Katoliko na gumagamit ng imahen para alalahanin ang Diyos. Kung may totoong idolatry sa panahon ngayon, ito ay makikita sa consumerism, materialism, at self-worship ng modernong lipunan.
At kung sasabihin nila na âcomplete in Christâ kaya wala nang need para sa mga santo, oo, si Kristo ang kabuuan ng ating kaligtasan, pero kasama sa plano Niya ang Kanyang Mystical Body, ang Church (1 Cor. 12:12â27). Ang mga santo ay bahagi ng katawan na kasama nating nagdarasal at gumagabay. Hebreo 12:1 ay nagsasabing we are âsurrounded by a great cloud of witnesses.â Kaya ang veneration sa kanila ay hindi competing kay Kristo kundi nakaugat mismo kay Kristo.
Sa huli, inaakusahan pa nila na tayoây nagtuturo ng âworks salvation.â Pero malinaw sa turo ng Simbahan: âby grace you have been saved through faithâ (Eph 2:8â9). Naniniwala tayo rito. Ang kaibahan lang, alam natin na ang tunay na faith ay hindi patay kundi gumagawa sa pag-ibig (Gal 5:6). Kaya sinabi ni James 2:24, âA man is justified by works and not by faith alone.â Ang works natin at sacraments ay biyayang galing kay Kristo, hindi gawa ng tao lang.
Kaya malinaw: Cebu is not a city of idolatry but a city of faith. Ang Sto. Niño ay hindi paganism kundi paalala na ang Diyos ay nagkatawang-tao. Ang mga santo ay hindi ibang diyos kundi mga saksi ng biyaya ni Kristo. At ang tradisyon ng Simbahan ay hindi imbento kundi yaman ng Apostolic faith. Ang mga argumento ng anti-Catholic ay paulit-ulit pero hindi nakatayo sa kabuuan ng Bibliya. Ang tunay na wrath of God ay hindi nakikita sa lindol kundi sa puso ng taong tumatangging kilalanin si Kristo at patuloy na humuhusga sa kapwa imbes na magmahal. Kaya mga Ka-Faith, huwag tayong palilinlang. Kahit gumuho ang pader ng simbahan, hindi guguho ang Simbahang itinatag ni Kristo dahil Siya mismo ang pundasyon nito (Mateo 16:18). đ
345 - 34
Sa nakakagising na episode na ito ng Istoryang Katoliko, si Fr. Jojo Zerrudo, exorcist at defender ng Latin Mass, ay nagbahagi ng matitinding karanasan sa spiritual warfareâmula sa mga kaso ng possession kung saan may mga taong niluwal ang pako at wires, hanggang sa kung bakit mas matindi ang reaksyon ng mga demonyo sa Latin prayers, at ang panganib ng irreverent na pagsamba sa loob mismo ng Simbahan.
Sa tapang at kaliwanagan, ipinaliwanag ni Fr. Jojo kung paano ang kasalanan, occult practices, at kawalan ng reverence ay nagiging daan para makapasok ang kasamaanâat kung paano pwedeng ipaglaban ng mga Katoliko ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pagbabalik sa tunay na kapangyarihan ng Eukaristiya at banal na liturhiya.
đș Full interview â link in the comments!
50 - 1
Narinig mo na ba ang mga kwento ng possession kung saan ang mga demonyo ay niluwal ang pako at wires? At bakit nga ba mas matindi ang reaksyon ng demonyo sa Latin prayers? đđ„
Sa Istoryang Katoliko, ibinunyag ni Fr. Jojo Zerrudo, exorcist at defender ng Latin Mass, ang mga nakakagulat na katotohanan tungkol sa exorcism, irreverent worship, at kung paano minsan tayo mismo ang nagbubukas ng pinto sa demonyo.
watch video on watch page
18 - 0
Maraming salamat sa ICON of SAINT sa napakagandang pagkaka-customize ng aking Rosary! đčPina-customize ko ito para mailagay mismo sa gitna ang St. Michael relic stone âïžđ â at sobrang ganda ng kinalabasan!
Kung gusto niyo rin magpagawa ng ganito, pwede niyo silang i-message dito: đ www.facebook.com/share/1A7TJV3wio/?mibextid=wwXIfr
67 - 4
Mga Ka-Faith, hindi lang basta âfamily planningâ ang Natural Family Planning (NFP).
Sabi ni Bro. Raymond Ganar ng WOOMB Philippines, ito ay isang RADICAL CHOICE na nakakaapekto hindi lang sa buhay ng mag-asawaâkundi pati sa KALULUWA nila. â ïž
Alamin kung bakit MILAGRO NG DIYOS ang NFP at paano ito nagiging daan sa kabanalan at kaligtasan.
đș Full Interview here: https://youtu.be/RecRYzacX70
26 - 0
I am an inspirational public speaker and a Catholic lay preacher based in the Philippines. I have inspired thousands of people from our Catholic community called The Feast (A Catholic prayer gathering of The Light Of Jesus Family founded by Bo Sanchez) and from talks given to companies, schools, and organizations.
FOR BRAND COLLABORATION, CONTACT ME:
Email: adrianmilagblog@gmail.com