Channel Avatar

Jorge Mcleen @UCmONfynTvopY1ZL9b3hwWeA@youtube.com

140K subscribers - no pronouns :c

Filipino content creator who recently moved in πŸ‡ΊπŸ‡Έ


Welcoem to posts!!

in the future - u will be able to do some more stuff here,,,!! like pat catgirl- i mean um yeah... for now u can only see others's posts :c

Jorge Mcleen
Posted 3 years ago

Naalala ko yung mga oras na hirap na hirap ako gumawa ng first vlog ko. Hindi ko alam ang sasabihin and seeing myself in the camera sabi ko sa sarili ko, β€œhindi bagay, ang panget ko” Pero sabi ko, gusto ko to! Nag-eenjoy ako. Kaya tinuloy-tuloy ko lang. Gusto ko lang mag video, gusto ko lang magkwento. Gusto ko lang may makinig sa mga kwento ko. Yun lang.

Oo mahirap talaga sa una. May mga taong magpapakita ng suporta, at mayroon ring hindi. Naalala ko noon, isa-isa ko pang minemessage yung mga kakilala ko para isubscribe ako. Yung iba iseseen ka lang. Pero naintindihan ko naman sila. Ano ba namang paki alam nila sa vlog vlog na ito. Pero dahil gusto ko nga, inilalalaban ko. Pangalawa, investment rin talaga ang kailangan. Sa camera, at sa editor mamumuhunan ka talaga.

May mga pagkakataon na parang ayoko na, feeling ko hindi ako entertaining, pakiramdam ko hindi ako nakakatawa or hindi ako effective content creator knowing na wala akong direksyon pagdating sa mga content. Kasi kung ano lang ang maisipan ko, yun lang talaga ang ivvideo ko.

Ang daming pagsubok ng dalawang taong ito. And as I celebrate this milestone bumabalik yung mga pagkakataon na hinihila ako pababa ng mga taong akala ko susuporta sa akin. Pero ganon naman talaga ang buhay. Walang basta na lang ibinibigay, lahat talaga pinaghihirapan.

Ng dahil kay youtube at sa inyo mga ka-inaaang, unti-unti kong minahal ang sarili ko. Natanggap ko ang mga insercurities ko, na regardless kung anong rehistro at hitsura ko sa camera ang mas mahalaga mapasaya kayo. Ng dahil sa inyo, mas nakilala ko ang sarili ko at nadiskubre ko ang madaming bagay na kaya ko pa pala gawin mag-isa.

Madami akong taong nakilala at nakasama na alam kong naging parte ng mileston na ito. Naaalala ko kayong lahat! Hindi ko na kayo iisa-isahin pa. Gusto ko lang taos pusong magpasalamat,dahil kasama ko kayo sa selebrasyong ito. Sa buong family ko, sa mga naging editors at editor ko, sa lahat ng mga naka collab ko, at syempre sa mga ka-INAAANG, na talagang never bumitaw, sa mga pagsshare ng aking mga vlog, sa pag cocomment at sa dalawang taon nyong pagmamahal sa akin. Eto na, 100,00 na tayo! Umpisa pa lang to, asahan nyo ang mas maraming good vibes na video! Kaya sabay-sabay tayong sumigaw ng Inaaaaaaaaaaaaaannng!!!!!!!!!!!!!

#ThanksGod #Happy100kSubscribers #INAAANG #JorgeMcleenVlogs

1.1K - 137

Jorge Mcleen
Posted 4 years ago

Happy 50k mga KA-INAAANG! Sobrang achievement na to para sa akin. Salamat sa lahat ng suporta simula day 1 hanggang ngayon. Long way to go, hayaan nyo mas ilelevel up natin ang saya! πŸ˜‡

Sa mga sponsors natin, @blckteahouse ang sarap ng tea nyo, At sa @ziascrambleonthego thank you for celebrating with us! More Power! πŸ’ͺ🏻

I uploaded a clebration vlog, πŸ‘‰πŸ» https://youtu.be/lWdLtWNa5SQ

#happy50k #NewVlog #blessed

709 - 17

Jorge Mcleen
Posted 4 years ago

50k na tayo mga KA-INAAANG! Maraming Salamat sa inyong lahat! Sa lahat ng bago, welcome to my life at sa lahat ng ka-inaaang na anjan na para sa akin simula day 1 ko. Salamat sa inyo!

Almost there, konti na lang. Walang bitawan! NEW VLOG AGAIN LATER! 😘 I LOVE YOU ALL!

#HAPPY50k #MCLEENATION #INAAANG

755 - 55