Ang layunin ng Channel na ito ay mapadali ang pagkaunawa ng mga mag-aaral sa Senior High School sa mga asignaturang Physics, Chemistry, Physical Science, Geology, Astronomy, Basic Engineering; at ilang paksa sa Mathematics na may kaugnayan sa mga nasabing asignatura; at kasama rin ang Introduction to World Religion and Belief System, at Understanding Culture, Society, and Politics. Naniniwala ang Channel na ito na mas madaling maiiintindihan ng mga mag-aaral ang mga nasabing asignatura kung ito ay ipapaliwanag sa ating sariling wika (Filipino), pero ang mga Scientific/Technical Terms ay mananatiling hindi nakasalin sa wikang Filipino para naman makasabay ang mga mag-aaral sa pandaigdigang pamantayan.
Naniniwala rin ang Channel na ito na malaking tulong sa pag-unlad ng mga mag-aaral sa mga asignaturang nabanggit ang kanilang pundasyon sa pag-aaral, bata palang ay dapat na silang maihanda. Kaya mayroon itong "Chalkboard for Kids" na naglalaman ng mga araling pambata.