Channel Avatar

San Clemente Angono @UC_d8WCo9NmBph0-fT-PMzVQ@youtube.com

2.7K subscribers - no pronouns :c

This is the official Youtube Channel of Diocesan Shrine and


Welcoem to posts!!

in the future - u will be able to do some more stuff here,,,!! like pat catgirl- i mean um yeah... for now u can only see others's posts :c

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 29, 2022 | Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo


Sa tulong ng mga panalangin nina San Pedro at San Pablo, hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong maging bukas sa Kaniyang grasya, upang tayo ay makakita, makakilatis, at makakilos mula sa katotohanan at kalayaan na nanggagaling sa pakikipagtagpo kay Kristo.


San Pedro at San Pablo, ipanalangin mo kami.


#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

14 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 28, 2022 | Paggunita kay San Ireneo, obispo at martir



Manalangin tayo:

Ama naming makapangyarihan, iniatas Mo sa obispong si San Ireneo ang pagpapatatag sa katotohanan ng Iyong itinuturo at sa masayang pagkakasundo ng Iyong Simbahan. Ipagkaloob mo bilang tugon sa kaniyang pagdalangin na kaming dinudulutan Mo ng pagbabago bunga ng pananalig at pag-ibig ay maging laging masigasig sa pagpapaunlad ng pagkakaisa at pagkakasundo sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.



San Ireneo, ipanalangin mo kami.



#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

14 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 25, 2022 | Paggunita sa Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria



Ang Kalinis-linisang Puso ni Maria ay isang pandebosyong pangalang gamit upang tukuyin ang buhay ng Birheng Maria — ang kaniyang mga tuwa at mga hapis, ang kaniyang kabutihan at tagong perpeksyon, at higit sa lahat, at kaniyang dalisay na pagmamahal sa Diyos Ama, ang pagmamahal ng ina sa kaniyang anak na si Hesus, at ang kaniyang pagmamalasakit sa sanlibutan.



Tradisyonal na inilalarawan ang puso ni Maria na tusok-tusok ng pitong espada o may pitong sugat bilang paggunita sa kaniyang pitong hapis. Ginagamit din ang rosas at iba pang klase ng bulaklak na nakabalot sa kaniyang puso sa paglalarawan nito.



Kalinis-linisang Puso ng Birheng Maria, Ipanalangin mo kami.



#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

14 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 24, 2022 | Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus


Labing-siyam na araw matapos ang Linggo ng Pentekostes, ipinagdiriwang ng Simbahan ang Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang puso ni Hesus.


Unang ipinagdiwang ang kapistahan ng Banal na puso ni Hesus noong ika-31 ng Agosto, 1670 sa Rennes, Pransiya sa pamamagitan ni San Juan Eudes. Mula dito, lumaganap ang debosyon sa Banal na puso ni Hesus ngunit kumalat sa buong mundo nang magpakita ang Panginoong Hesus sa isang madreng taga-Pransiya, si Santa Margaret Alacoque.
Ang Kaniyang Banal na Puso ay sumasagisag ng Kaniyang dakilang pagmamahal sa sangkatauhan. "Isusulat ko sa aking puso ang pangalan ng mga magpapalaganap ng debosyong ito." - Isa sa mga pangako ng Panginoong Hesus ng magpakita Siya kay Santa Margaret Alacoque


Panalangin:
Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, sa Iyo namin ipinagkakatiwala ang aming buhay yaman. Ikaw ang magbibigay buhay. Pagkalooban mo kami ng proteksyon at pag-iingat upang maipagpatuloy namin ang debosyon sa Iyong Mahal na Puso. Amen.


Kamahal-mahalang puso ni Hesus, maawa Ka sa amin!


#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

11 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 23, 2022 | Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista



Panalangin kay San Juan Bautista

San Juan Bautista, aming Mahal na Patron, sa pasimula ay sumaiyo na ang kamay ng Panginoon. Niloob ng Ama na magdalang-awa Siya sa iyong mga magulang, na sa kanilang katandaan ikaw ay maisilang. Tungkulin mo ay nahayag nang manguna ka sa Kanyang Anak na si Hesus. Sa patnubay ng Espiritu, naging matatag ka. Narinig ang tinig mong sumisigaw sa ilang at ikaw ang nagsabing; “Ihaanda ang daraanan ng Panginoon, ituwid ang kanyang landas- nang makita ng lahat ng tao ang pagliligtas ng Diyos.”

Tanggapin mo ang aming hiling na kami ay maipanalangin sa Diyos na punung-puno ng awa at pag-ibig. Na sa bawat sandali ng aming buhay, sa pagkakasakit, lungkot at kabiguan pati na rin sa panahon ng kasaganahan, kasiyahan at tagumpay, maging sa ano mang aming hinahangad sa buhay kami ay laging mapasa-kamay ng Diyos na nagkamit ng aming mga minimithing pananampalataya, pag-asa at pag-ibig.

Ipanalangin mo kami at tanglawan, San Juan Bautista, nang aming matunghayan ang kadakilaan at pagliligtas ng Diyos sa amin. Amen.



San Juan Bautista, ipanalangin mo kami.



#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

11 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Hunyo 21, 2022 | Paggunita kay San Luis Gonzaga, namanata sa Diyos



Si San Luis Gonzaga ay pintakasi ng mga mag-aaral. Isinilang siya sa kastilyo ng Castigliona, Lombardia noong Marso 9, 1568 sa isang angkang kinabibilangan ng mga prinsipe, markes, duke at hari. Nasa kaniya na ang lahat para maging marangal sa daigdig; sa katunayan, nais ng kanyang ama na siya ay maging sundalo ngunit nahilig si Luis hindi sa pagiging sundalo kundi sa gawang kabanalan. Upang malubos ang kaniyang hangaring maging banal, pumasok si Luis sa Samahan ng mga Paring Heswita noong Nobyembre 25, 1585 sa Roma. Bagama’t hindi naging pari, ang kanyang buhay bilang nobisyo sa mga Heswita ay kinamalasan ng pambihirang kabanalan. Naging matapat siya sa pagtupad sa kanyang tungkulin; naging maingat sa kanyang paningin, at labis ang pagmamahal na iniukol niya sa Mahal na Birhen at Santisimo Sakramento. Namatay siya noong Hunyo 21, 1591 sanhi ng sakit na nakuha niya sa pagtulong sa mga nasalanta ng peste.



San Luis Gonzaga, ipanalangin mo kami!



#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

11 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Inaalaala natin ang Pagtatatag ng Panginoon sa Huling Hapunan ng Sakramento ng Eukaristiya. Ipinagdiriwang natin ang tunay na presensiya ni Kristo sa anyo ng tinapay bilang Kanyang Katawan at sa anyo ng alak bilang Kanyang Dugo. Ito ay ipinagdiriwang natin upang iwanan sa atin ang Kanyang Katawan at Dugo bilang ating pagkain at inuming espirituwal upang Siya ay pagsaluhan sa buhay natin dito sa daigdig. Sa pamamagitan ng Banal na Misa, kung saan ipinagdiriwang ang sakramento ng Eukaristiya, ating sinasariwa ang pakikipag-tipan natin sa Diyos. Sa pamamagitan ng sakramentong ito, nagaganap sa ating harapan ang tunay na presensiya ng Panginoon at ang pakikipagtipan sa Kanya bilang Panginoon na naghain ng Kanyang sarili para sa ating kaligtasan.

Ang tinapay at alak bilang pagkain at inumin sa Eukaristiya ay nagkakaroon ng isang bago at malalim na personal na kahulugan at layunin: ang personal na presensiya ni Kristo na nag-aalay ng sarili para sa ating kaligtasan. Ang parehong bagong kahulugan at layunin ay nakabatay sa isang radikal na pagbabago sa katotohanan ng tinapay at alak na kinikilala sa tradisyong Katoliko bilang "transubstantiation." Nangangahulugan lamang ito na sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, ang makalupang sangkap ng tinapay at alak ay nagiging isang katotohanan sa naiibang antas: BILANG NILUWALHATING KATAWAN AT DUGO NI HESUKRISTO, IPINAKO AT MULING NABUHAY.


#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

14 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Happy 24th Sacerdotal Anniversary, Fr. Eymard!
May your loving service to the Church be filled with God's grace and love. May Lord continue to bless your priestly ministry.


#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

12 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

HAPPY BIRTHDAY TO THE CATHOLIC CHURCH!


Pentecost is marked as the birthday of the Christian church, and the start of the church's mission to the world.
It is the day when the Holy Spirit came down on the apostles and found themselves speaking in foreign languages, inspired by the Holy Spirit.


#pentecostsunday
#SanClementeDambana
#SanClementeAngono
#Antipolensis

16 - 0

San Clemente Angono
Posted 2 years ago

Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima | Mayo 13, 2022

Ang Paggunita sa Mahal na Birhen ng Fatima ay ang aparisyon niya sa tatlong batang pastol na sila Lucia, Jacinta at Francisco sa mabundok na nayon sa Fatima, Portugal, nagpakita ang Mahal na Birhen sa tatlong batang pastol.
Ang Birheng Maria ay nagpakilala bilang Mahal na Birhen ng Banal na Rosaryo. Ipinagkatiwala ng Mahal na Ina sa tatlong bata ang propesiya na kinilala bilang "Ang Tatlong Lihim ng Fatima". Kung saan, dalawa sa mga ito ay inihayag sa publiko at ang pangatlo ay isinulat ni Lucia. Ang panghuling aparisyon ay itinuturing na nakamamangha at tinawag na "Himala ng Araw".

Ang mensahe ng Fatima ay ang kahalagahan ng pagdarasal ng Banal na Rosaryo sa araw-araw, ito ay ang pagbabayad kasalanan, at ang pagpapakabanal upang makamit ang kapayapaan.

#SanClementeAngono
#Antipolensis

20 - 0