Channel Avatar

betchay channel @UCYDfMxY5oAJOWaG7PrNpocQ@youtube.com

478 subscribers - no pronouns :c

#ofw life #Mother's love 💖


Welcoem to posts!!

in the future - u will be able to do some more stuff here,,,!! like pat catgirl- i mean um yeah... for now u can only see others's posts :c

betchay channel
Posted 6 days ago

1 Corinto 5:1-13
Parusa sa Gumagawa ng Kahalayan
"¹Nakarating nga sa akin ang balitang mayroong kabilang sa inyo na gumagawa ng imoralidad; kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit mga pagano ay hindi gumagawa ng ganyang kahalayan! ²At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana'y mahiya kayo at malungkot, at ang taong gumagawa ng ganoon ay dapat ninyong itiwalag! ³Kahit wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya't parang nariyan na rin ako. Ang gumagawa niyan ay hinatulan ko na ⁴sa pangalan ng ating Panginoong Jesus.[a] Kapag kayo'y nagtipun-tipon, at ang espiritu ko ay nariyan, sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus, ⁵ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyan upang masira man ang kanyang katawan, maliligtas naman ang kanyang espiritu sa araw ng Panginoon.
⁶Hindi kayo dapat magmalaki. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa”? ⁷Alisin ninyo ang lumang pampaalsa, ang kasalanan, upang kayo'y maging malinis. Sa gayon, matutulad kayo sa isang bagong masa na walang pampaalsa, at talaga namang ganyan kayo. Sapagkat naihandog na ang ating Korderong Pampaskwa na walang iba kundi si Cristo. ⁸Kaya't ipagdiwang natin ang Paskwa, hindi sa pamamagitan ng tinapay na may lumang pampaalsa na kasamaan at kahalayan, subalit sa pamamagitan ng tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng kalinisan at katapatan
⁹Sinabi ko sa aking sulat na huwag kayong makikisama sa mga nakikiapid. ¹⁰Hindi ang mga di-mananampalatayang nakikiapid, sakim, magnanakaw, o sumasamba sa diyus-diyosan ang tinutukoy ko, sapagkat kinakailangan ninyong umalis sa mundong ito para sila'y maiwasan. ¹¹Ang tinutukoy ko na huwag ninyong papakisamahan ay ang nagsasabing sila'y Cristiano ngunit nakikiapid, sakim, sumasamba sa diyus-diyosan, nanlalait, naglalasing, at nagnanakaw. Ni huwag kayong makikisalo sa ganyang uri ng tao.
¹²-¹³Wala akong karapatang humatol sa mga hindi Cristiano; ang Diyos ang hahatol sa kanila. Ngunit hindi ba't dapat ninyong hatulan ang mga nasa loob ng iglesya? Sabi nga sa kasulatan, “Itiwalag ninyo ang masamang tao.” 🙏
#everyone #highlights #follower

1 - 0

betchay channel
Posted 1 week ago

Juan 3:1-21
Si Jesus at si Nicodemo
"¹May isang Pariseo na nagngangalang Nicodemo na pinuno ng mga Judio. ²Isang gabi, pumunta siya kay Jesus at sinabi, “Rabi, nalalaman po naming kayo'y isang tagapagturong mula sa Diyos, sapagkat walang makakagawa ng mga himalang ginagawa ninyo kung wala sa inyo ang Diyos.”
³Sumagot si Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ipanganak na muli[a] ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos.”
⁴“Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling ipanganak?” tanong ni Nicodemo.
⁵Sagot naman ni Jesus, “Tandaan mo ang sinasabi kong ito: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos. ⁶Ang taong ipinanganak sa laman ay laman, at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. ⁷Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, ‘kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli.’[b] ⁸Umiihip ang hangin[c] kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak sa Espiritu.”
⁹“Paano po mangyayari iyon?” tanong ni Nicodemo.
¹⁰Sumagot si Jesus, “Guro ka pa naman sa Israel, hindi mo nauunawaan ang mga bagay na ito? ¹¹Pakatandaan mo: ang sinasabi namin ay nalalaman namin, at ang pinapatotohanan namin ay nasaksihan namin, subalit hindi ninyo tinatanggap ang aming patotoo. ¹²Kung hindi ninyo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko tungkol sa mga bagay dito sa mundo, paano pa ninyo mapapaniwalaan ang sasabihin ko tungkol sa mga bagay doon sa langit? ¹³Wala pang sinumang umakyat sa langit kundi ang bumabâ mula sa langit, ang Anak ng Tao.”
¹⁴At kung paanong itinaas ni Moises ang tansong ahas doon sa ilang, gayundin naman, kailangang itaas ang Anak ng Tao, ¹⁵upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. ¹⁶Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.¹⁷Isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, hindi upang hatulan ng parusa ang sanlibutan, kundi upang iligtas ito sa pamamagitan niya.
¹⁸Hindi hinahatulan ng parusa ang sumasampalataya sa Anak. Ngunit hinatulan na ang hindi sumasampalataya, sapagkat hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Diyos. ¹⁹Ganito ang paghatol ng Diyos: naparito sa sanlibutan ang ilaw, ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masasama ang kanilang mga gawa. ²⁰Kinasusuklaman ng mga gumagawa ng masama ang ilaw, ni hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanilang mga gawa.²¹ Ngunit ang namumuhay ayon sa katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang maihayag na ang mga ginagawa niya ay pagsunod sa Diyos." 🙏
#everyone #highlights #follower

2 - 0

betchay channel
Posted 1 week ago

Kawikaan 31:10-31
Ang Huwarang Maybahay
"¹⁰Mahirap makakita ng mabuting asawa, higit sa mamahaling alahas ang kanyang halaga.
¹¹Lubos ang tiwala ng kanyang asawa, at saganang pakinabang ang makakamit niya.
¹²Pinaglilingkuran niya ang asawa habang sila'y nabubuhay, pawang kabutihan ang ginagawa at di kasamaan.
¹³Wala siyang tigil sa paggawa, hindi na halos nagpapahinga, humahabi ng kanyang telang lino at lana.
¹⁴Tulad ng isang barkong puno ng kalakal, siya ay nag-uuwi ng pagkain mula sa malayong lugar.
¹⁵Bago pa sumikat ang araw ay inihahanda na ang pagkain ng buo niyang sambahayan, pati na ang gawain ng mga katulong sa bahay.
¹⁶Mataman niyang tinitingnan ang bukid bago siya magbayad, ang kanyang naiimpok ay ipinagpapatanim ng ubas.
¹⁷Gayunma'y naiingatan ang kamay at katawan upang matupad ang lahat ng kanyang tungkulin araw-araw.
¹⁸Sa kanya'y mahalaga ang bawat ginagawa, hanggang hatinggabi'y makikitang nagtitiyaga.
¹⁹Siya'y gumagawa ng mga sinulid, at humahabi ng sariling damit.
²⁰Matulungin siya sa mahirap, at sa nangangailanga'y bukás ang palad.
²¹Hindi siya nag-aalala dumating man ang tagginaw, pagkat ang sambahayan niya'y may makapal na kasuotan.
²²Gumagawa siya ng makakapal na sapin sa higaan at damit na pinong lino ang sinusuot niya.
²³Ang kanyang asawa'y kilala sa lipunan at nahahanay sa mga pangunahing mamamayan.
²⁴Gumagawa pa rin siya ng iba pang kasuotan at ipinagbibili sa mga mangangalakal.
²⁵Marangal at kapita-pitagan ang kanyang kaanyuan at wala siyang pangamba sa bukas na daratal.
²⁶Ang mga salita niya ay puspos ng karunungan at ang turo niya ay pawang katapatan.
²⁷Sinusubaybayan niyang mabuti ang kanyang sambahayan at hindi tumitigil sa paggawa araw-araw.
²⁸Iginagalang siya ng kanyang mga anak at pinupuri ng kanyang kabiyak:
²⁹“Maraming babae na mabuting asawa, ngunit sa kanila'y nakahihigit ka.”
³⁰Mandaraya ang pang-akit at kumukupas ang ganda, ngunit ang babaing gumagalang at sumusunod kay Yahweh ay pararangalan.
³¹Ibigay sa kanya ang lahat ng parangal, karapat-dapat siya sa papuri ng bayan." 🙏
#everyone #highlights #follower

1 - 0

betchay channel
Posted 3 weeks ago

1 Tesalonica 5:1-28
Maging Handa sa Pagdating ng Panginoon.
"¹Mga kapatid, hindi na kailangang isulat ko pa sa inyo kung kailan magaganap ang mga bagay na ito, ²sapagkat alam na ninyo na ang pagdating ng Araw ng Panginoon ay tulad ng pagdating ng magnanakaw sa gabi.³Kapag sinasabi ng mga tao, “Tiwasay at panatag ang lahat,” biglang darating ang kapahamakan. Hindi sila makakaiwas sapagkat ang pagdating nito'y tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaing manganganak. ⁴Ngunit wala na kayo sa kadiliman, mga kapatid, kaya't hindi kayo mabibigla sa Araw na iyon na darating na parang magnanakaw. ⁵Kayong lahat ay kabilang sa panig ng liwanag, sa panig ng araw, hindi sa panig ng gabi o ng dilim.⁶Kaya nga, kailangang tayo'y manatiling gising, laging handa, at malinaw ang isip, at di tulad ng iba.⁷Sa gabi ay karaniwang natutulog ang tao, at sa gabi rin karaniwang naglalasing.⁸Ngunit dahil tayo'y sa panig ng araw, dapat maging matino ang ating pag-iisip. Isuot natin ang baluti ng pananampalataya at pag-ibig, at isuot ang helmet ng pag-asa sa pagliligtas na gagawin sa atin ng Diyos. ⁹Hindi tayo pinili ng Diyos upang bagsakan ng kanyang poot, kundi upang iligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. ¹⁰Namatay siya para sa atin upang tayo'y mabuhay na kasama niya, maging buháy man tayo o patay na sa kanyang muling pagparito. ¹¹Dahil dito, palakasin ninyo ang loob ng isa't isa at magtulungan kayo tulad ng ginagawa ninyo ngayon.
Pangwakas na Tagubilin at Pagbati
¹²Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon.
¹³Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Makitungo kayo sa isa't isa nang may kapayapaan.
¹⁴Mga kapatid, ipinapakiusap din namin na inyong pagsabihan ang mga tamad, pasiglahin ang mahihinang-loob, at kalingain ang mga mahihina. Maging matiyaga kayo sa kanilang lahat.¹⁵Huwag ninyong paghigantihan ang gumawa sa inyo ng masama; sa halip, magpatuloy kayo sa paggawa ng mabuti sa isa't isa at sa lahat.
¹⁶Magalak kayong lagi,¹⁷ palagi kayong manalangin,
¹⁸at magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.
¹⁹Huwag ninyong hadlangan ang Espiritu Santo.²⁰Huwag ninyong baliwalain ang anumang pahayag mula sa Diyos. ²¹Suriin ninyo ang lahat ng bagay at panghawakan ang mabuti.²²Lumayo kayo sa lahat ng uri ng kasamaan.
²³Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo.²⁴Tapat ang tumawag sa inyo, at gagawin niya ito.
²⁵Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami.
²⁶Batiin ninyo ang lahat ng mga mananampalataya bilang mga minamahal na kapatid kay Cristo.[a] ²⁷Inaatasan ko kayo sa pangalan ng Panginoon na basahin ang sulat na ito sa lahat ng mga kapatid.
²⁸Sumainyo nawa ang kagandahang-loob ng ating Panginoong Jesu-Cristo." 🙏
#everyone #highlights #follower

1 - 0

betchay channel
Posted 3 weeks ago

Exodo 20:3-5
³“Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
⁴“Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. ⁵Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi." 🙏
#everyone #highlights #follower

1 - 0

betchay channel
Posted 1 month ago

Mga Kawikaan 30:7-9
"⁷Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay:⁸Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin.⁹Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan." 🙏
#everyone #highlights #follower

1 - 0

betchay channel
Posted 1 month ago

👉Matthew 19:13-15👈
The Little Children and Jesus
"¹³Then people brought little children to Jesus for him to place his hands on them and pray for them. But the disciples rebuked them.
¹⁴Jesus said, “Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of heaven belongs to such as these.”
¹⁵When he had placed his hands on them, he went on from there."🙏
👉Mark 10:13-15👈
The Little Children and Jesus
"¹³People were bringing little children to Jesus for him to place his hands on them, but the disciples rebuked them. ¹⁴When Jesus saw this, he was indignant. He said to them, “Let the little children come to me, and do not hinder them, for the kingdom of God belongs to such as these.¹⁵Truly I tell you, anyone who will not receive the kingdom of God like a little child will never enter it.”🙏
#everyone #highlights #followers

1 - 0

betchay channel
Posted 1 month ago

"sabi ni Jesus hayaan nating lumapit ang mga bata sa kanya, kaya nasa magulang talaga kung ang magulang ay malayo sa Dios ilalayo rin nila ang mga bata." 😓
👉Mateo 19:13-15👈
Ipinanalangin ni Jesus ang mga Bata
¹³May nagdala ng mga bata kay Jesus upang ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay at sila'y ipanalangin. Ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. ¹⁴Sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”
¹⁵ Ipinatong nga niya sa mga bata ang kanyang kamay, at pagkatapos, siya'y umalis.." 🙏
👉Marcos 10:13-16👈
Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata.
"¹³May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit sinaway sila ng mga alagad.¹⁴Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos.¹⁵Tandaan ninyo: ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos, tulad sa pagtanggap ng isang bata, ay hinding-hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos.” ¹⁶Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila." 🙏
#everyone #highlights #followers

1 - 0

betchay channel
Posted 1 month ago

Matthew 6:14-15
"¹⁴For if you forgive other people when they sin against you, your heavenly Father will also forgive you.¹⁵ But if you do not forgive others their sins, your Father will not forgive your sins." 🙏
#everyone #highlights #followers

1 - 0

betchay channel
Posted 1 month ago

Psalm 7:17
"I will give thanks to the Lord because of his righteousness;
I will sing the praises of the name of the Lord Most High." 🙏
#everyone #highlights #followers

1 - 0