Mula sa salitang Street Fighter at Spider na buo ang aking channel na "Streetpider". Ang streetpider na ito ay purely entertainment lamang, ito ay maka lumanag libangan ng mga Pilipino noon pa mang 1970's up to present. Ito ay patungkol sa mga gagamba na kung paano sila hulihin, alagaan, pakainin, painumin at ikundisyon para sa libangan paglalaban laban.
Naabutan ko noon 1970's na ang tangin pangalan ng mga gagamba ay konti lamang, tulad ng Bulek, San Juan at Talaan. Ang Bulek ay may kaliitan ang katawan ngunit ito ay maliksi at matapang, ang San Juan naman any may kalakihan ang katawan na may kulay puti o light colors, ang Talaan naman ay katulad parin sa kasalukuyang tawag ng mga nag-aalagang gagamba na Talaan o Tala, na ito ay may tatak o tatoo sa likod ng katawan.
Nang ako ay nagbabalik sa pagkahilig mag-alaga ng gagamba ay nagulat ako sa dami ng katawagan dito tulad ng Samon, Japan G, Masbate, Cebu, Bunusan, Tigre, at marami pang iba, may tawag din sila kung ano ang sukat nito.