Ang channel na ito ay kapwa nagbibigay ng kasiyahan at impormasyon tungkol sa kagandahan at benepisyo ng pag-aalaga ng mga halaman sa bakuran ng ating mga bahay. Nais din ng channel na ito na magbigay importansiya sa ating inang kalikasan, na dapat natin itong pangalagaan. Lalo na't napapanahon ang usapin ng Global Warming at Climate change na talaga namang nararanasan na ng mga bansa sa iba't-ibang sulokng mundo ang mga negatibong epekto nito. Kung kaya't, mahalin at bigyang importasiya ang ating kapaligiran, at tayo'y magtanim ng mga halaman.