Proud Dog Lover, Proud Kabayan at Proud FPJ Fan.
Kabayan Gani po, ang inyong lingkod. Isa pong OFW na nag for good na sa ating mahal na bansa matapos ang ilang mga taon ng pakikipagsapalaran sa iba't ibang panig ng Gitnang Silangan.
-Tatlong klase po ng mga video ang aking ina upload dito ang una ay ang pag parody ko sa ating Hari ng Aksyon na si Da King Fpj kung saan ito ay binabago ko at ginagawan ko ng maiikling istorya na may munting aral na mapupulot at ito ay binase ko sa mga kaganapan sa ating bansa.
-Ikalawa ang pamimigay ko ng mga aso para ang mga nag nanais din na mag alaga subalit hindi sapat ang ipon ay ating mabigyan ng munting pagkakataon na makapag alaga.
-Ikatlo ay Random Video kung saan ito ay walang kinalaman sa una at ikalawang klase ng video ngunit maaaring makapag bigay pa rin ng mga impormasyon sa atin pong mga manonood.
Ang KABAYAN GANI VLOG po ay channel na walang ano mang hindi magandang intensyon sa kahit na sino man.
Maraming salamat po mga KABAYAN!