in the future - u will be able to do some more stuff here,,,!! like pat catgirl- i mean um yeah... for now u can only see others's posts :c
Usapang Expectation sa Content Creation
Sa panahon ngayon, pwede ka nang kumita online ng walang nahahawakang produkto.
Ang nakikita kong papalipad na industriya ngayon ay ang content creation.
Maraming kumikita online sa pagmomonetize ng videos at reels, isa na ang Illustrados dito. Gumagawa lang kami ng written content at video content, at binabayaran kami ng mga social media platforms. Ang maganda pa dito, kahit sino kayang gawin 'to at wala ka pang ilalabas na puhunan.
Ang hindi nakikita ng iba, matagal ang proseso ng content creation. Itong Illustrados lang, 1 Year bago namonetize sa YT. Isang taon akong gumagawa ng quality video contents ng walang natatanggap na sweldo. Kung tatahakin mo ang content creation, ang reality, matagal ang resulta nito.
Mag-set ka lang ng tamang expectation at chill ka lang habang hindi pa gumagana yung ginagawa mo ngayon. Isang araw, gagana din yan.
Ipasa mo sa iba itong post kung sa tingin mo makakapag bigay din ng value sa kanila at paki pusuan naman kung nakapag bigay ng value sayo š Kung may tanong ka, lagay mo lang dyan sa baba or i-pm mo ko. Salamat sa pagsubaybay.
-Illustrados
2 - 0
Testimonial from Sir Allan.. š Check nyo po yung website natin at nandoon po yung premium Skill tutorials. - illustradoslearning.com/
0 - 0
Kung naghahanap ka ng Legit tutorials pagdating sa Content Creation ng Fb, nandito po yung link ng Premium contents natin dyan. - illustradoslearning.com/courses/facebook-or-meta-cā¦
2 - 0
Photoshop alternative na libre, share ko sa inyo
Kung naghahanap ka ng libreng Photo editing tool pero ayaw mong gumastos sa subscription, baka pwede mo itong itry..
Dahil napaka selan na ng platform ng Fb, hindi na lang ko magpopost ng external links sa mga text-based post katulad nito. Seach mo nalang sa google, "PHOTOPEA". Ginawa yan ni Ivan Kutskir, isang Ukranian programmer. Libreng Photoshop yan na Web-based. Basically, lahat ng essential functions ng Photoshop ay inilagay nya dito. Di tulad ng canva, walang subscription ang Photopea. Nakakatuwa din talaga na may nakagawa ng ganito ka-powerful na libreng photo editing tool. Hindi din maarte sa pag-load ng ibat-ibang file types. Madali lang matutunan dahil eksaktong kopya talaga sya ng Photoshop software. Kung di pa kayo marunong mag-edit sa PS, Check nyo nalang din yung Photoshop tutorials ko sa yt for reference.
Ginagamit ko padin 'to hanggang ngayon sa pageedit ng Thumbnails.
Sana nakatulong. Ipasa mo sa iba itong post kung sa tingin mo makakapag bigay din ng value sa kanila at paki pusuan naman kung nakapag bigay ng value sayo :) Kung may tanong ka, lagay mo lang dyan sa baba or i-pm mo ko. Salamat sa pagsubaybay.
-Illustrados
1 - 0
Magiging active ulit ang Page ng Illustrados mga boss. Hindi man verified, ito po ang Official Page. :) - www.facebook.com/illustradoslearning
Naging busy lang po nitong mga nakaraang taon sa ibat-ibang bagay. Pasensya na po kayo kung ilang years hindi naging active itong page. Kung meron kayong tanong tungkol sa Content Creation, Freelancing, at iba pang Digital Marketing strategies, message nyo lang po kami dito sa page. Baka sakali makatulong kami at makapag bigay ng value na based on experience.
Years of experience na tayo sa Content Creation at Freelancing kaya po kung may tanong kayo, wag mahiya mag-pm. :)
Meron din po akong ginawang Group na imomoderate natin ng maayos para makapag tulungan at makapag-sharing ang mga members ng problems at strategies. Maraming salamat po :)
Content Creator Group: www.facebook.com/groups/ccsph
Business Support Group: www.facebook.com/groups/nsgph
5 - 0
Ano ang content na pinaka makakatulong sayo? Comment mo na din sa baba kung ano yung mga suggested contents na gusto mong makita sa Illustrados.
13 - 15
Site from one of our Students inside the Web Dev Course
Eto po yung website project na gawa ni sir Jhec about tarantulas na mobile responsive. š
Confident na ko na kaya na nyang magwork online at gumawa ng ibang projects for a client. Kung gusto mo din matuto ng web development gaya ni sir, pwede kang mag-enroll sa web dev course natin š
Chat ka lang sa Illustrados Facebook Page or visit our Website for more info.
12 - 5
Affiliate Marketing
Isang pinaka magandang source ng extra income o passive income ay ang Affiliate Marketing.
Wala ka namang ilalaabas na puhunan dito. Makikipag partner ka lang sa mga online platforms, bibigyan ka nila ng promotion link at kapag may bumili sa link mo, magkakaroon ka ng percentage ng komisyon.
Meron po tayong mga comprehensive tutorial sa Illustrados youtube channel tungkol sa affiliate marketing kung gusto nyo po itong matutunan.
Nakikita ko lang na karamihan sa pumapasok dito ay naiinip. 200 pa lang yung audience ng facebook page or group, ineexpect agad na magkaroon ng malaking resulta. Ang resulta po nito ay makikita mo kapag malaki na ang fanbase mo.
Kapag nagsimula ka ngayon at mangongolekta ka ng emails, likes, follows, etc. Tatagal yan ng halos 2 years para mapantayan ang income mo sa trabaho ngayon. Unti-unti mong makikita ang resulta ng affiliate marketing sa paglipas ng panahon. Di po tayo nag-tuturo dito ng overnight success, sinasabi natin dito yung reality ng mga extra income at online business.
21 - 17
Ano pong mga content ang fusto mong makita dito sa channel? Vote po kayo. Kung wala sa option, comment below.
12 - 3
Illustrados is a platform where we collectively learn Skills, Business and Content Creation.
Website - illustradoslearning.com/