Mga Video ng Aklat ni Mormon

131 videos • 65,263 views • by The Church of Jesus Christ in the Philippines Nakapaloob sa Mga Video ng Aklat ni Mormon na batay sa 2 Nephi–Enos ang mga itinuro ng mga propeta sa sinaunang Amerika hinggil sa ebanghelyo ni Jesucristo. Dadalhin ka ng seryeng ito ng mga video sa isang paglalakbay patungo sa lupang pangako, kung saan ang pamilya ni propetang Lehi ay nanirahan at nahati kalaunan sa dalawang grupo na magkalaban: ang mga Nephita at Lamanita. Nagpatuloy ang Diyos sa pagtawag ng mga propeta—sina Nephi, Jacob, at Enos—upang mangaral sa mga tao. Itinuro ni Nephi ang doktrina ni Cristo at nagpatotoo siya na ang mga tao ay uunlad at mamumuhay nang maligaya kung susundin nila ang mga kautusan ng Diyos. Nagpropesiya si Jacob tungkol kay Jesucristo at sa Kanyang Pagbabayad-sala at Pagkabuhay na Mag-uli. Binalaan niya ang mga tao tungkol sa kanilang kapalaluan at hiniling niya sa kanila na hanapin ang kaharian ng Diyos. Itinuro ni Enos kung paano manalangin nang mataimtim sa Diyos, mapatawad sa kasalanan, at manalangin para sa iba. Ang Aklat ni Mormon ay naglalaman ng mga salita ni Cristo at nagtuturo sa atin na gumawa ng mabuti. Kung naniniwala tayo kay Cristo, maniniwala tayo sa mga salita sa mga banal na kasulatan. Batay sa 2 Nephi–Enos.